Blurb
Sa kagustuhang makapunta ng Scandinavia ni Daphne, napilitan siyang tanggapin ang alok na kasal ng lalaking nakilala niya sa isang dating app. Makakarating lang siya ng Scandinavia kung pakakasalan ang gwapo, hot, at mayaman na si Blake Kent Hernandez II o BK kung tawagin.
Ikinasal sila kahit walang pagmamahal sa isa’t isa.
Para kay BK naging maganda ang marriage nila ni Daphne. Nagagawa niya pa rin ang lahat ng gusto niya. Pwede niyang i-date ang babaeng nagugustuhan. ‘Yon kasi ang napagkasunduan nila, ang walang pakialamanan sa sarili.
Pero nagulo ang isip at puso ni BK nang may mangyari sa kanila ng asawa. Ang hindi niya alam, napamahal na sa kaniya ang asawa sa mga lumipas na araw.
Pero anong gagawin niya kapag nagising siyang sumuko na si Daphne sa marriage life nila? Makakaya ba niyang iwan siya nito? Maisasalba pa kaya ni BK ang pagsasama nila?