Si Kendra Buenavidez ay maganda, simple, masipag, matalino, madiskarte at mapagmahal sa pamilya. Gan’yan inilarawan ng magulang ang magiging sekretarya kay Blake Kent Hernandez.Hindi naman siya interesado dahil may nobya na siya. Pero, hindi niya akalaing ma-excite sa unang pagtatagpo nila.
Unang pagkikita pa lang nilang dalawa ay nagkaroon agad ng apoy sa pagitan nila. Apoy na hindi na nila kayang iwasan. Pero kahit ganon, pilit niya pa ring tinatatak sa isip na mas mahal niya si Darlene. Pero bakit gano’n? Iba ang sinasabi ng puso niya.
Hanggang sa dumating ang araw na kailangang pumili ni Kent, sa pagitan ng nobya at ng dalaga.
Sino kaya ang pipiliin niya? Ang nobya, o ang dalagang laging isinisigaw ng puso niya?